Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Kapaki-pakinabang na Pananalita

14 na talata sa Bibliya tungkol sa Kapaki-pakinabang na Pananalita na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.

02 Mga Efeso 4:29

Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig.

03 Mga Kawikaan 15:4

Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay: nguni't ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa.

04 Mga Awit 19:14

Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin, Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking manunubos.

05 Mga Kawikaan 16:24

Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto.

06 Mga Kawikaan 10:11

Ang bibig ng matuwid, ay bukal ng kabuhayan: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.

Ang dila ng matuwid ay parang piling pilak: ang puso ng masama ay kaunti ang halaga. Ang mga labi ng matuwid ay nagpapakain ng marami: nguni't ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa.

08 Mga Kawikaan 25:11

Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak.

09 Mateo 12:34-35

Kayong lahi ng mga ulupong, papaano kayo na masasama, ay makapagsasalita ng mabubuting bagay? sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig. Ang mabuting tao sa kaniyang mabuting kayamanan ay kumukuha ng mabubuting bagay: at ang masamang tao sa kaniyang masamang kayamanan ay kumukuha ng masasamang bagay.

10 Mga Kawikaan 16:23

Ang puso ng pantas ay nagtuturo sa kaniyang bibig, at nagdaragdag ng katututuhan sa kaniyang mga labi.

11 Mga Efeso 5:4

O ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat.

12 Mga Kawikaan 15:23

Ang tao ay may kagalakan sa sagot ng kaniyang bibig: at ang salita sa ukol na panahon, ay anong pagkabuti!

13 Santiago 3:10

Sa bibig din lumalabas ang pagpuri't paglait. Mga kapatid ko, ang mga bagay na ito ay hindi nararapat magkagayon.

14 Mga Kawikaan 12:14

Ang tao ay masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig; at ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya.

Mga kaugnay na paksa