Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Mga Salitang Nagpapalakas-loob

9 na talata sa Bibliya tungkol sa Mga Salitang Nagpapalakas-loob na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Mga Efeso 4:29

Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig.

02 Mga Kawikaan 12:25

Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot; nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya.

Dahil dito kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.

04 Mga Hebreo 3:13

Nguni't kayo'y mangagpangaralan sa isa't isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo ng daya ng kasalanan:

05 Mga Kawikaan 16:24

Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto.

06 Mga Kawikaan 25:11

Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak.

07 Isaias 50:4

Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan, upang aking maalaman kung paanong aaliwin ng mga salita siyang nanglulupaypay. Siya'y nagigising tuwing umaga, ginigising niya ang aking pakinig upang makinig na gaya ng mga natuturuan.

Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.

09 Mga Kawikaan 15:23

Ang tao ay may kagalakan sa sagot ng kaniyang bibig: at ang salita sa ukol na panahon, ay anong pagkabuti!

Mga kaugnay na paksa