Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Tsismis

6 na talata sa Bibliya tungkol sa Tsismis na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Mga Kawikaan 16:28

Ang magdarayang tao ay nagkakalat ng pagtatalo: at ang mapaghatid-dumapit ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik.

02 Mga Kawikaan 11:13

Siyang yumayaong mapaghatid dumapit ay naghahayag ng mga lihim: nguni't ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay.

03 Mga Kawikaan 20:19

Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim: kaya't huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi.

04 Mga Kawikaan 26:20

Sapagka't sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy: at kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit.

05 Levitico 19:16

Huwag kayong maghahatid dumapit sa inyong bayan, ni titindig laban sa dugo ng inyong kapuwa: ako ang Panginoon.

06 Mga Kawikaan 18:8

Ang mga salita ng mga mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa pinakaloob ng tiyan.

Mga kaugnay na paksa