Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Mabagal sa Pagsasalita
8 na talata sa Bibliya tungkol sa Mabagal sa Pagsasalita na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.
Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit;
Sa karamihan ng mga salita ay hindi nagkukulang ng pagsalangsang: nguni't siyang nagpipigil ng kaniyang mga labi ay gumagawang may kapantasan.
Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas: pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait.
Huwag kang pakabigla ng iyong bibig, at huwag magmadali ang iyong puso na magsalita ng anomang bagay sa harap ng Dios; sapagka't ang Dios ay nasa langit, at ikaw ay nasa lupa: kaya't pakauntiin mo ang iyong mga salita.
Nakikita mo ba ang tao, na nagmamadali sa kaniyang mga salita? May pagasa pa sa mangmang kay sa kaniya.
Ang sumasagot bago makinig, ay kamangmangan at kahihiyan sa kaniya.
Ang puso ng matuwid ay nagbubulay ng isasagot: nguni't ang bibig ng masama ay nagbubugso ng mga masamang bagay.
Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay: nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan.