Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Pagsasabi ng Katotohanan

11 na talata sa Bibliya tungkol sa Pagsasabi ng Katotohanan na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

Idagdag ang lahat ng 11 talata Gumawa ng libreng account para maisaulo ang mga ito.
01 Mga Efeso 4:15 Pangunahing talata

Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo;

02 Zacarias 8:16

Ito ang mga bagay na inyong gagawin, Magsalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa; humatol kayo ng katotohanan at kapayapaan sa inyong mga pintuang-bayan;

03 Mga Efeso 4:25

Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y mga sangkap na isa't isa sa atin.

04 Mga Kawikaan 12:22

Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran.

05 Mga Awit 15:2

Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran, at nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.

06 Mga Kawikaan 12:19

Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man. Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang.

07 Juan 8:32

At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo.

Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa,

09 Mga Awit 34:13

Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama. At ang iyong mga labi sa pagsasalita ng karayaan.

10 1 Pedro 3:10

Sapagka't, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:

11 Mga Kawikaan 8:7

Sapagka't ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan; at kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi.

Mga kaugnay na paksa