Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Ang Salita ay Nananatili Magpakailanman
10 na talata sa Bibliya tungkol sa Ang Salita ay Nananatili Magpakailanman na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.
Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man.
Sapagka't, Ang lahat ng laman ay gaya ng damo, At ang lahat ng kaniyang karangalan ay gaya ng bulaklak ng damo. Ang damo'y natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta: Datapuwa't ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man. At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo.
Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.
Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit.
Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.
Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo, na iyong pinamalagi magpakailan man.
Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.
Sapagka't ang Panginoon ay mabuti; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man; at ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi.
At tungkol sa akin, ito ang aking tipan sa kanila, sabi ng Panginoon: ang aking Espiritu na nasa iyo, at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig, hindi hihiwalay sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong lahi, o sa bibig man ng angkan ng iyong lahi, sabi ng Panginoon, mula ngayon at magpakailan pa man.
Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong dinalisay. Iyong iingatan sila, Oh Panginoon, iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man.