Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Isang Ilawan sa Aking mga Paa

9 na talata sa Bibliya tungkol sa Isang Ilawan sa Aking mga Paa na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Mga Awit 119:105

Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.

02 Mga Awit 119:130

Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang.

03 Mga Kawikaan 6:23

Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay:

04 2 Pedro 1:19

At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso:

05 Juan 8:12

Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan.

06 Mga Awit 19:8

Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso: ang utos ng Panginoon ay dalisay, na nagpapaliwanag ng mga mata.

07 Mga Awit 43:3

Oh suguin mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan; patnubayan nawa nila ako: dalhin nawa nila ako sa iyong banal na bundok, at sa iyong mga tabernakulo.

08 Mga Kawikaan 4:18

Nguni't ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw.

09 Mga Awit 119:11

Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.

Mga kaugnay na paksa