Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Pag-iimbak ng Salita sa Puso
6 na talata sa Bibliya tungkol sa Pag-iimbak ng Salita sa Puso na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.
Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso; At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon.
Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios.
Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.
Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, at impukin mo sa iyo ang aking mga utos. Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata. Itali mo sa iyong mga daliri; ikintal mo sa iyong puso.
Kaya't inyong ilalagak itong aking mga salita sa inyong puso, at sa inyong kaluluwa; at inyong itatali na pinakatanda sa inyong kamay at magiging pinakatali sa inyong noo.