Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Paninindigan sa Salita
9 na talata sa Bibliya tungkol sa Paninindigan sa Salita na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.
Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.
Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man.
Datapuwa't ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man. At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo.
Kaya't ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato: At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at hindi nabagsak: sapagka't natatayo sa ibabaw ng bato.
Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit.
Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.
Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; at bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.
Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan),
Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.