Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Ang Salita ng Diyos

Ang Salita ng Diyos ay buháy at mabisa, isang ilawan sa ating mga paa at ang pagkaing nilikha para sa ating kaluluwa. Mananatili ito magpakailanman, nagpapadunong sa atin, at naghahanda sa atin para sa bawat mabuting gawa. Pinaaalab ng mga talatang ito ang pag-ibig sa Kasulatan at sa Diyos na nagsasalita.

Kasulatan — 2 Timoteo 3:16

Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:

Pag-iimbak ng Salita sa Puso — Mga Awit 119:11

Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.

Ang Kapangyarihan ng Salita — Mga Hebreo 4:12

Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.

Pagninilay sa Salita — Josue 1:8

Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan.

Paninindigan sa Salita — Mateo 24:35

Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.

Isang Ilawan sa Aking mga Paa — Mga Awit 119:105

Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.

Ang Salita ay Nananatili Magpakailanman — Isaias 40:8

Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man.

Mas Matamis Kaysa Pulot — Mga Awit 119:103

Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!

Hindi sa Tinapay Lamang Mabubuhay ang Tao — Mateo 4:4

Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.

Naisin ang Dalisay na Gatas — 1 Pedro 2:2

Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito'y magsilago kayo sa ikaliligtas;

Ang Binhi ng Salita — Lucas 8:11

Ito ang talinghaga: Ang binhi ay ang salita ng Dios.

Manatili sa Salita — Juan 8:31

Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;