Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Ang Kapangyarihan ng Dila

7 na talata sa Bibliya tungkol sa Ang Kapangyarihan ng Dila na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Mga Kawikaan 18:21

Kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila; at ang nagsisiibig sa kaniya ay magsisikain ng kaniyang bunga.

02 Santiago 3:5-6

Gayon din naman ang dila ay isang maliit na sangkap, at nagpapalalo ng malalaking bagay. Narito, kung gaano kalaking gubat ang pinagaalab ng lubhang maliit na apoy! At ang dila'y isang apoy: ang sanglibutan ng kasamaan sa ating mga sangkap ay dili iba't ang dila, na nakakahawa sa buong katawan, at pinagningas ang gulong ng katalagahan, at ang dila'y pinagniningas ng impierno.

03 Mga Kawikaan 12:18

May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak: nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan.

04 Mga Kawikaan 15:4

Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay: nguni't ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa.

05 Mateo 12:36-37

At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom. Sapagka't sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.

06 Santiago 3:8

Datapuwa't ang dila ay hindi napaaamo ng sinomang tao; isang masamang hindi nagpapahinga, na puno ng lasong nakamamatay.

07 Mga Kawikaan 21:23

Sinomang nagiingat ng kaniyang bibig at kaniyang dila nagiingat ng kaniyang kaluluwa mula sa mga kabagabagan.

Mga kaugnay na paksa