Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Kasipagan
7 na talata sa Bibliya tungkol sa Kasipagan na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.
Ang kamay ng masipag ay magpupuno: nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag.
Siya'y nagiging dukha na gumagawa ng kamay na walang kasipagan: nguni't yumayaman ang kamay ng masipag.
Anomang inyong ginagawa, ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao;
Ang tamad ay nagnanasa, at walang anoman: nguni't ang kaluluwa ng masipag ay tataba.
Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagka't walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol, na iyong pinaparunan.
Ang mga pagiisip ng masipag ay patungo sa kasaganaan lamang: nguni't bawa't nagmamadali ay sa pangangailangan lamang.
Nakikita mo ba ang taong masipag sa kaniyang gawain? siya'y tatayo sa harap ng mga hari: hindi siya tatayo sa harap ng mga taong hamak.