Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Trabaho
8 na talata sa Bibliya tungkol sa Trabaho na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.
Anomang inyong ginagawa, ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao;
Yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay tatanggapin ninyo ang ganting mana; sapagka't naglilingkod kayo sa Panginoong Jesucristo.
Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, at ang iyong mga panukala ay matatatag.
Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagka't walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol, na iyong pinaparunan.
Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.
Sa lahat ng gawain ay may pakinabang: nguni't ang tabil ng mga labi ay naghahatid sa karalitaan.
Sapagka't noon pa mang kami ay kasama ninyo, ay aming iniutos ito sa inyo, Kung ang sinoman ay ayaw gumawa, ay huwag din namang kumain.
At kinuha ng Panginoong Dios ang lalake at inilagay sa halamanan ng Eden, upang kaniyang alagaan at ingatan.