Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Pananalig sa Diyos

9 na talata sa Bibliya tungkol sa Pananalig sa Diyos na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

Idagdag ang lahat ng 9 talata Gumawa ng libreng account para maisaulo ang mga ito.
01 Mga Taga-Filipos 1:6 Pangunahing talata

Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo:

02 Mga Hebreo 13:6

Ano pa't ating masasabi ng buong tapang, Ang Panginoon ang aking katulong; hindi ako matatakot: Anong magagawa sa akin ng tao?

03 Mga Awit 27:1

Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako matatakot? Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak?

04 1 Juan 5:14

At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya:

05 Mga Hebreo 4:16

Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

06 Mga Kawikaan 3:26

Sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala, at iingatan ang iyong paa sa pagkahuli.

07 Mga Awit 118:6

Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: anong magagawa ng tao sa akin?

Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.

09 2 Timoteo 1:12

Dahil dito'y nagtiis din ako ng mga bagay na ito: gayon ma'y hindi ako nahihiya; sapagka't nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan, at lubos akong naniniwalang siya'y makapagiingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya hanggang sa araw na yaon.

Mga kaugnay na paksa