Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Pagpipigil sa Sarili

14 na talata sa Bibliya tungkol sa Pagpipigil sa Sarili na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

Idagdag ang lahat ng 14 talata Gumawa ng libreng account para maisaulo ang mga ito.
01 Mga Taga-Galacia 5:23 Pangunahing talata

Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

02 Mga Kawikaan 25:28

Siyang hindi pumipigil ng kaniyang sariling diwa ay parang bayang nabagsak at walang kuta.

03 1 Mga Corinto 9:25

At ang bawa't tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay. Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira; nguni't tayo'y niyaong walang pagkasira.

04 Tito 2:12

Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito;

05 2 Pedro 1:6

At sa kaalaman ay ang pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang kabanalan;

06 Mga Kawikaan 16:32

Siyang makupad sa pagkagalit ay maigi kay sa makapangyarihan; at siyang nagpupuno sa kaniyang diwa ay maigi kay sa sumasakop ng isang bayan.

07 2 Timoteo 1:7

Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.

08 1 Mga Corinto 9:27

Nguni't hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil.

09 Santiago 1:19

Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit;

At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito.

11 1 Pedro 5:8

Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya:

12 Mga Kawikaan 29:11

Inihihinga ng mangmang ang buong galit niya: nguni't ang pantas ay nagpipigil at tumitiwasay.

Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi tayo'y mangagpuyat at mangagpigil.

14 Mga Romano 13:14

Kundi bagkus isakbat ninyo ang Panginoong Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan noon.

Mga kaugnay na paksa