Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Paglilingkod sa Pamamagitan ng mga Kaloob

6 na talata sa Bibliya tungkol sa Paglilingkod sa Pamamagitan ng mga Kaloob na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 1 Pedro 4:10

Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios;

02 Mga Romano 12:6-7

At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin, kung hula, ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating pananampalataya; O kung ministerio, ay gamitin natin ang ating sarili sa ating ministerio; o ang nagtuturo, ay sa kaniyang pagtuturo;

03 1 Mga Corinto 12:7

Datapuwa't sa bawa't isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman.

Sapagka't kayo, mga kapatid, ay tinawag sa kalayaan; huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan, upang magbigay kadahilanan sa laman, kundi sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo.

05 1 Pedro 4:11

Na kung ang sinoma'y nagsasalita, ay gaya ng sa mga aral ng Dios: kung ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios: upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, na sa kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.

06 Mga Romano 12:11

Huwag mga tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon;

Mga kaugnay na paksa