Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Maraming Kaloob, Isang Espiritu

11 na talata sa Bibliya tungkol sa Maraming Kaloob, Isang Espiritu na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 1 Mga Corinto 12:4

Ngayo'y may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't iisang Espiritu.

At may iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon. At may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat.

Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig.

04 Mga Efeso 4:4

May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo;

05 Mga Romano 12:5

Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.

06 1 Mga Corinto 12:7

Datapuwa't sa bawa't isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman.

07 Mga Efeso 4:7

Datapuwa't ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo.

Sapagka't ang katawan ay hindi iisang sangkap, kundi marami.

09 Mga Romano 12:6

At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin, kung hula, ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating pananampalataya;

10 Mga Efeso 4:11

At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro;

Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling.

Mga kaugnay na paksa