Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Papuri

8 na talata sa Bibliya tungkol sa Papuri na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Mga Awit 150:6

Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon.

02 Mga Awit 34:1

Aking pupurihin ang Panginoon sa buong panahon: ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.

03 Mga Awit 145:3

Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin; at ang kaniyang kadakilaan ay hindi masayod.

04 Mga Awit 9:1

Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso; aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa.

05 Mga Hebreo 13:15

Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.

06 Mga Awit 147:1

Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios; sapagka't maligaya, at ang pagpuri ay nakalulugod.

07 Mga Awit 103:1

Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko: at lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.

08 Mga Awit 71:8

Ang bibig ko'y mapupuno ng pagpuri sa iyo, at ng iyong karangalan buong araw.

Mga kaugnay na paksa