Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Payo

10 na talata sa Bibliya tungkol sa Payo na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

Idagdag ang lahat ng 10 talata Gumawa ng libreng account para maisaulo ang mga ito.
01 Mga Kawikaan 11:14 Pangunahing talata

Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak: nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan.

02 Mga Kawikaan 15:22

Kung saan walang payo ay nagugulo ang mga panukala: nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay nangatatatag.

03 Mga Kawikaan 12:15

Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo.

04 Mga Kawikaan 19:20

Makinig ka ng payo, at tumanggap ka ng turo, upang ikaw ay maging pantas sa iyong huling wakas.

05 Mga Awit 73:24

Iyong papatnubayan ako ng iyong payo, at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian.

06 Mga Kawikaan 20:18

Bawa't panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo: at sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka.

07 Mga Kawikaan 24:6

Sapagka't sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka: at sa karamihan ng mga tagapayo ay may kaligtasan.

08 Mga Awit 33:11

Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man, ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali't saling lahi.

09 Isaias 9:6

Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.

10 Mga Kawikaan 1:5

Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo:

Mga kaugnay na paksa