Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Pang-unawa

14 na talata sa Bibliya tungkol sa Pang-unawa na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Mga Kawikaan 3:13

Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan.

02 Mga Kawikaan 4:7

Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa.

03 Mga Kawikaan 2:2-3

Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan, at ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa; Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay, at itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa;

04 Mga Awit 119:104

Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.

05 Mga Kawikaan 3:5

Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:

06 Mga Kawikaan 16:16

Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto! Oo, magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak.

07 Mga Awit 119:130

Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang.

08 Job 28:28

At sa tao ay sinabi niya, Narito, ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan; at ang paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa.

09 Mga Kawikaan 9:10

Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.

10 Mga Kawikaan 14:33

Karunungan ay nagpapahinga sa puso niya na may paguunawa: nguni't ang nasa loob ng mga mangmang ay nalalaman.

Mga kapatid, huwag kayong mangagpakabata sa pagiisip; gayon ma'y sa kahalayan ay mangagpakasanggol kayo, datapuwa't sa pagiisip kayo'y mangagpakatao.

12 Mga Kawikaan 18:2

Ang mangmang ay walang kaluguran sa paguunawa, kundi maihayag lamang ang kaniyang puso.

Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu,

14 Mga Kawikaan 19:8

Siyang nagiimpok ng karunungan ay umiibig sa kaniyang sariling kaluluwa: siyang nagiingat ng pagunawa ay makakasumpong ng mabuti.

Mga kaugnay na paksa