Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Ang Kaharian ng Diyos

8 na talata sa Bibliya tungkol sa Ang Kaharian ng Diyos na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Mateo 6:33

Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

02 Marcos 1:15

At sinasabi, Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio.

03 Mga Romano 14:17

Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi ang pagkain at paginom, kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo.

04 Lucas 17:21

Ni sasabihin man nila, Naririto! o Naririyan! sapagka't narito, ang kaharian ng Dios ay nasa loob ninyo.

05 Daniel 2:44

At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man.

06 Mateo 4:17

Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit.

07 1 Mga Corinto 4:20

Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan.

08 Lucas 12:32

Huwag kayong mangatakot, munting kawan; sapagka't nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo'y ibigay ang kaharian.

Mga kaugnay na paksa