Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Humiyaw nang may Galak
6 na talata sa Bibliya tungkol sa Humiyaw nang may Galak na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.
Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain.
Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, buong lupa. Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan, oo, magsiawit kayo ng mga pagpuri.
Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon: tayo'y magkaingay na may kagalakan sa malaking bato na ating kaligtasan. Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat, tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.
Magkaingay kayong may kagalakan sa Dios, buong lupa.
Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan: mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob,
Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.