Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Pagiging Tapat

14 na talata sa Bibliya tungkol sa Pagiging Tapat na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

Idagdag ang lahat ng 14 talata Gumawa ng libreng account para maisaulo ang mga ito.
01 Mga Kawikaan 12:22 Pangunahing talata

Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran.

02 Mga Kawikaan 11:1

Ang marayang timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran.

03 Mga Efeso 4:25

Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y mga sangkap na isa't isa sa atin.

04 Zacarias 8:16

Ito ang mga bagay na inyong gagawin, Magsalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa; humatol kayo ng katotohanan at kapayapaan sa inyong mga pintuang-bayan;

05 2 Mga Corinto 8:21

Sapagka't iniisip namin ang mga bagay na kapuripuri, hindi lamang sa paningin ng Panginoon, kundi naman sa paningin ng mga tao.

06 Mga Kawikaan 16:13

Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari; at kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid.

Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa,

08 Levitico 19:11

Huwag kayong magnanakaw; ni magdadaya, ni magsisinungaling ang sinoman sa iba.

09 Mga Kawikaan 19:1

Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat kay sa suwail sa kaniyang mga labi at mangmang.

10 Mga Hebreo 13:18

Idalangin ninyo kami: sapagka't kami'y naniniwalang lubos na kami ay may mabuting budhi, na nagnanasang mabuhay na marangal sa lahat ng mga bagay.

11 Mga Kawikaan 24:26

Siya'y humahalik sa mga labi niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot.

12 Mga Romano 12:17

Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao.

13 Mga Kawikaan 20:23

Mga iba't ibang panimbang ay karumaldumal sa Panginoon; at ang sinungaling na timbangan ay hindi mabuti.

14 Mga Awit 34:13

Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama. At ang iyong mga labi sa pagsasalita ng karayaan.

Mga kaugnay na paksa