Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Tapat na Kita

9 na talata sa Bibliya tungkol sa Tapat na Kita na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Mga Kawikaan 13:11

Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay huhupa: nguni't siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan.

02 Mga Kawikaan 16:8

Maigi ang kaunti na may katuwiran kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan.

03 Mga Kawikaan 20:23

Mga iba't ibang panimbang ay karumaldumal sa Panginoon; at ang sinungaling na timbangan ay hindi mabuti.

04 Levitico 19:35-36

Huwag kayong gagawa ng kalikuan sa paghatol, sa pagsukat, sa pagtimbang, o sa pagtakal. Timbangang matuwid, panimbang na matuwid, epa na matuwid at hin na matuwid ang aariin ninyo: ako ang Panginoon ninyong Dios na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto.

05 Mga Kawikaan 28:6

Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, kay sa suwail sa kaniyang mga lakad, bagaman siya'y mayaman.

06 Mga Kawikaan 11:1

Ang marayang timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran.

07 Mga Kawikaan 10:2

Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan: nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.

08 Jeremias 17:11

Kung paanong lumilimlim ang pugo sa mga itlog na hindi kaniya, gayon siya nagtatangkilik ng mga kayamanan, at hindi sa pamamagitan ng matuwid; sa kaniyang mga kaarawan ay iiwan niya yaon, at sa kaniyang wakas ay nagiging mangmang siya.

09 Levitico 19:13

Huwag kayong pipighati sa inyong kapuwa, o magnanakaw man sa kaniya: ang bayad ng isang mag-aaraw ay huwag matitira sa inyo ng buong gabi hanggang sa umaga.

Mga kaugnay na paksa