Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Gawa ng Kamay ng Diyos

5 na talata sa Bibliya tungkol sa Gawa ng Kamay ng Diyos na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

Idagdag ang lahat ng 5 talata Gumawa ng libreng account para maisaulo ang mga ito.
01 Mga Efeso 2:10 Pangunahing talata

Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo:

03 2 Mga Corinto 5:17

Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.

04 Mga Awit 139:14

Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.

05 Mga Efeso 4:24

At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.

Mga kaugnay na paksa