Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Minamahal

7 na talata sa Bibliya tungkol sa Minamahal na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

Idagdag ang lahat ng 7 talata Gumawa ng libreng account para maisaulo ang mga ito.
01 Mga Taga-Colosas 3:12 Pangunahing talata

Mangagbihis nga kayo gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, ng isang pusong mahabagin, ng kagandahangloob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod:

02 1 Juan 3:1

Masdan ninyo kung gaanong pagibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y mangatawag na mga anak ng Dios; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanglibutan, sapagka't siya'y hindi nakilala nito.

03 Mga Romano 1:7

Sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, tinawag na mangagbanal: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo.

04 Mga Efeso 1:6

Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal:

Dinala niya sa bahay na may pigingan, at ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta.

06 Jeremias 31:3

Ang Panginoon ay napakita nang una sa akin, na nagsasabi, Oo, inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob.

07 Deuteronomio 33:12

Tungkol sa Benjamin, ay kaniyang sinabi, Ang minamahal ng Panginoon ay tatahang ligtas sa siping niya; Siya'y kakanlungan niya buong araw, At siya'y mananahan sa pagitan ng kaniyang mga balikat.

Mga kaugnay na paksa