Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Pagkamangha sa Harap ng Diyos

5 na talata sa Bibliya tungkol sa Pagkamangha sa Harap ng Diyos na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Mga Awit 33:8

Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon: magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya.

02 Mga Awit 96:9

Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan: manginig kayo sa harap niya, buong lupa.

03 Habacuc 2:20

Nguni't ang Panginoo'y nasa kaniyang banal na templo: tumahimik ang buong lupa sa harap niya.

04 Mga Awit 89:7

Isang Dios na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal, at kinatatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot niya?

05 Mga Hebreo 12:28

Kaya't pagkatanggap ng isang kahariang hindi magagalaw, ay magkaroon tayo ng biyayang sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayong may paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Dios:

Mga kaugnay na paksa