Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Ang Pagkatakot sa Panginoon

6 na talata sa Bibliya tungkol sa Ang Pagkatakot sa Panginoon na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Mga Kawikaan 9:10

Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.

02 Mga Kawikaan 1:7

Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.

03 Mga Awit 111:10

Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.

04 Mga Kawikaan 14:27

Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan, upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan.

05 Mangangaral 12:13

Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.

06 Mga Kawikaan 19:23

Ang pagkatakot sa Panginoon ay patungo sa kabuhayan; at ang nagtatangkilik noon ay tatahang may kasiyahan: hindi siya dadalawin ng kasamaan.

Mga kaugnay na paksa