Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Pagpapasakop sa Diyos

5 na talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapasakop sa Diyos na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Santiago 4:7

Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.

02 Mga Romano 6:13

At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios.

03 Santiago 4:10

Mangagpakababa kayo sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo.

04 1 Pedro 5:6

Kaya't kayo'y mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo'y kaniyang itaas sa kapanahunan;

05 Mga Romano 12:1

Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.

Mga kaugnay na paksa