Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Ang Pagbabalik ng Alibughang Anak

10 na talata sa Bibliya tungkol sa Ang Pagbabalik ng Alibughang Anak na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Lucas 15:18-20

Magtitindig ako at paroroon sa aking ama, at aking sasabihin sa kaniya, Ama, nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin: Hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo: gawin mo akong tulad sa isa sa iyong mga alilang upahan. At siya'y nagtindig, at pumaroon sa kaniyang ama. Datapuwa't samantalang nasa malayo pa siya, ay natanawan na siya ng kaniyang ama, at nagdalang habag, at tumakbo, at niyakap siya sa leeg, at siya'y hinagkan.

02 Lucas 15:7

Sinasabi ko sa inyo, na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kay sa siyam na pu't siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang magsipagsisi.

03 Lucas 15:21-24

At sinabi ng anak sa kaniya, Ama, nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin: hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo. Datapuwa't sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin, Dalhin ninyo ritong madali ang pinakamabuting balabal, at isuot ninyo sa kaniya; at lagyan ninyo ng singsing ang kaniyang kamay, at mga panyapak ang kaniyang mga paa: At kunin ninyo ang pinatabang guya, at inyong patayin, at tayo'y magsikain, at mangagkatuwa: Sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan. At sila'y nangagpasimulang mangagkatuwa.

04 Mga Awit 51:17

Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.

05 Isaias 55:7

Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka't siya'y magpapatawad ng sagana.

06 Lucas 15:10

Gayon din, sinasabi ko sa inyo, na may tuwa sa harapan ng mga anghel ng Dios, dahil sa isang makasalanang nagsisisi.

07 Lucas 15:32

Datapuwa't karapatdapat mangagkatuwa at mangagsaya tayo: sapagka't patay ang kapatid mong ito, at muling nabuhay; at nawala, at nasumpungan.

08 Mga Awit 103:13

Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.

09 Jeremias 31:18-20

Tunay na aking narinig ang Ephraim na nananaghoy sa kaniyang sarili ng ganito, Inyong pinarusahan ako, at ako'y naparusahan na parang guya na hindi hirati sa pamatok: papanumbalikin mo ako, at ako'y manunumbalik sa iyo; sapagka't ikaw ang Panginoon kong Dios. Tunay na pagkapanumbalik ko sa iyo ay nagsisi ako; at pagkatapos na ako'y maturuan ay nagsugat ako ng hita: ako'y napahiya, oo, lito, sapagka't aking dinala ang kakutyaan ng aking kabataan. Ang Ephraim baga'y aking minamahal na anak? siya baga'y iniibig na anak? sapagka't kung gaano kadalas nagsasalita ako laban sa kaniya, ay gayon ko inaalaala siya ng di kawasa: kaya't nananabik ang aking puso sa kaniya; ako'y tunay na maaawa sa kaniya, sabi ng Panginoon.

10 Oseas 14:4

Aking gagamutin ang kanilang pagtalikod, akin silang iibiging may kalayaan; sapagka't ang aking galit ay humiwalay sa kaniya.

Mga kaugnay na paksa