Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Kadakilaan sa Kaharian

9 na talata sa Bibliya tungkol sa Kadakilaan sa Kaharian na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Mateo 20:26

Sa inyo'y hindi magkakagayon: kundi ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo;

02 Mateo 23:11

Datapuwa't ang pinakadakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo.

03 Marcos 9:35

At siya'y naupo, at tinawag ang labingdalawa; at sa kanila'y sinabi niya, Kung sinoman ang ibig na maging una, ay siyang mahuhuli sa lahat, at lingkod ng lahat.

04 Lucas 22:26

Datapuwa't sa inyo'y hindi gayon: kundi bagkus ang lalong dakila sa inyo ay maging tulad sa lalong bata; at ang nangungulo ay maging gaya ng naglilingkod.

05 Mateo 18:4

Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.

06 Mateo 18:3

At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.

07 Lucas 9:48

At sinabi sa kanila, Ang sinomang tumanggap sa maliit na batang ito sa pangalan ko, ay ako ang tinatanggap: at ang sinomang tumanggap sa akin, ay tinatanggap ang nagsugo sa akin: sapagka't ang pinaka maliit sa inyong lahat, ay siyang dakila.

08 Mateo 20:27

At sinomang magibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo:

09 Marcos 10:43-44

Datapuwa't sa inyo ay hindi gayon: kundi ang sinomang ibig na dumakila sa inyo, ay magiging lingkod ninyo; At ang sinoman sa inyo ang magibig manguna, ay magiging alipin ng lahat.

Mga kaugnay na paksa