Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Itinataas ng Diyos ang Mapagpakumbaba

14 na talata sa Bibliya tungkol sa Itinataas ng Diyos ang Mapagpakumbaba na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

Idagdag ang lahat ng 14 talata Gumawa ng libreng account para maisaulo ang mga ito.
01 1 Pedro 5:6 Pangunahing talata

Kaya't kayo'y mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo'y kaniyang itaas sa kapanahunan;

02 Santiago 4:10

Mangagpakababa kayo sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo.

03 Lucas 14:11

Sapagka't ang bawa't nagmamataas ay mabababa; at ang nagpapakababa ay matataas.

04 Mateo 23:12

At sinomang nagmamataas ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas.

05 Mga Kawikaan 29:23

Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya: nguni't ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan.

06 Mateo 18:4

Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.

07 Mga Awit 138:6

Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, gumagalang din sa mababa: nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo.

08 Mga Kawikaan 18:12

Bago ang pagkapahamak ay pagmamalaki ng puso ng tao, at bago ang karangalan ang pagpapakumbaba.

09 Isaias 57:15

Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.

10 Lucas 1:52

Ibinaba niya ang mga prinsipe sa mga luklukan nila, At itinaas ang mga may mababang kalagayan.

11 Mga Kawikaan 22:4

Ang kagantihan sa kapakumbabaan at ang pagkatakot sa Panginoon ay kayamanan, at karangalan, at buhay.

12 Mga Awit 147:6

Inaalalayan ng Panginoon ang maamo: kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.

13 Santiago 4:6

Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.

14 Lucas 18:14

Sinasabi ko sa inyo, Nanaog at umuwi sa kaniyang bahay ang taong ito na inaaaringganap kay sa isa: sapagka't ang bawa't nagmamataas sa kaniyang sarili ay mabababa; datapuwa't ang nagpapakababa sa kaniyang sarili ay matataas.

Mga kaugnay na paksa