Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Ang Diyos na ating Kalasag

8 na talata sa Bibliya tungkol sa Ang Diyos na ating Kalasag na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Mga Awit 28:7

Ang Panginoon ay aking kalakasan at aking kalasag; ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan: kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam; at aking pupurihin siya ng aking awit.

02 Genesis 15:1

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi, Huwag kang matakot, Abram: ako ang iyong kalasag, at ang iyong ganting pala na lubhang dakila.

03 Mga Awit 3:3

Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo.

04 Mga Awit 18:30

Tungkol sa Dios ang kaniyang lakad ay sakdal: ang salita ng Panginoon ay subok; siya'y kalasag ng lahat na nanganganlong sa kaniya,

05 Mga Kawikaan 30:5

Bawa't salita ng Dios ay subok: siya'y kalasag sa kanila, na nanganganlong sa kaniya.

06 Mga Awit 84:11

Sapagka't ang Panginoong Dios ay araw at kalasag: ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian: hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.

07 Mga Awit 33:20

Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon: siya'y aming saklolo at aming kalasag.

08 Mga Awit 119:114

Ikaw ang kublihan kong dako at kalasag ko: ako'y umaasa sa iyong salita.

Mga kaugnay na paksa