Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Ipahayag at Maniwala

6 na talata sa Bibliya tungkol sa Ipahayag at Maniwala na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

Idagdag ang lahat ng 6 talata Gumawa ng libreng account para maisaulo ang mga ito.
01 Mga Romano 10:9-10 Pangunahing talata

Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.

02 Mga Romano 10:13

Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.

03 Mateo 10:32

Kaya't ang bawa't kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.

04 1 Juan 4:15

Ang sinomang nagpapahayag na si Jesus ay Anak ng Dios, ang Dios ay nananahan sa kaniya, at siya'y sa Dios.

05 Mga Gawa 16:31

At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.

06 Mga Romano 10:11

Sapagka't sinasabi ng kasulatan, Ang lahat na sa kaniya'y nagsisisampalataya ay hindi mapapahiya.

Mga kaugnay na paksa