Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Kaaliwan

7 na talata sa Bibliya tungkol sa Kaaliwan na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

Idagdag ang lahat ng 7 talata Gumawa ng libreng account para maisaulo ang mga ito.
01 2 Mga Corinto 1:3-4 Pangunahing talata

Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, ang Ama ng mga kaawaan at Dios ng buong kaaliwan; Na siyang umaaliw sa atin sa lahat ng kapighatian, upang ating maaliw ang nangasa anomang kapighatian, sa pamamagitan ng pagaliw na inialiw din sa atin ng Dios.

02 Mga Awit 23:4

Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.

03 Mateo 5:4

Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.

04 Mga Awit 119:50

Ito'y aking kaaliwan sa aking pagkapighati: sapagka't binuhay ako ng iyong salita.

05 Isaias 40:1

Inyong aliwin, inyong aliwin ang aking bayan, sabi ng inyong Dios.

06 Mga Awit 34:18

Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at inililigtas ang mga may pagsisising diwa.

07 Juan 14:16

At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,

Mga kaugnay na paksa