Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Ang Dakilang Pastol

8 na talata sa Bibliya tungkol sa Ang Dakilang Pastol na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Mga Hebreo 13:20

Ngayon ang Dios ng kapayapaan na muling nagdala mula sa mga patay sa dakilang pastor ng mga tupa sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, sa makatuwid baga'y ang Panginoon nating si Jesus,

02 1 Pedro 5:4

At pagkahayag ng pangulong Pastor, ay magsisitanggap kayo ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian.

03 1 Pedro 2:25

Sapagka't kayo'y gaya ng mga tupang nangaliligaw; datapuwa't ngayon ay nangabalik kayo sa Pastor at Obispo ng inyong mga kaluluwa.

04 Juan 10:11

Ako ang mabuting pastor: ibinibigay ng mabuting pastor ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa.

05 Mga Awit 23:1

Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan.

06 Juan 10:14

Ako ang mabuting pastor; at nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako,

07 Isaias 40:11

Kaniyang papastulin ang kaniyang kawan, na gaya ng pastor, kaniyang pipisanin ang mga kordero sa kaniyang kamay, at dadalhin sila sa kaniyang sinapupunan, at papatnubayan na marahan yaong mga nagpapasuso.

08 Ezekiel 34:23

At ako'y maglalagay ng isang pastor sa kanila, at kaniyang papastulin sila sa makatuwid baga'y ang aking lingkod na si David; kaniyang papastulin sila, at siya'y magiging kanilang pastor,

Mga kaugnay na paksa