Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Hindi na Alipin ng Kasalanan
9 na talata sa Bibliya tungkol sa Hindi na Alipin ng Kasalanan na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.
Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan;
At yamang pinalaya kayo sa kasalanan ay naging mga alipin kayo ng katuwiran.
Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan.
Sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli sa pamatok ng pagkaalipin.
Sapagka't ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.
Sapagka't ang namatay ay ligtas na sa kasalanan.
Datapuwa't ngayong mga laya na kayo sa kasalanan at naging mga alipin ng Dios, kayo ay mayroong inyong bunga sa ikababanal, at ang wakas ay ang buhay na walang hanggan.
Kung palayain nga kayo ng Anak, kayo'y magiging tunay na laya.
Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan.