Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Pag-ibig sa mga Kaaway

5 na talata sa Bibliya tungkol sa Pag-ibig sa mga Kaaway na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Mateo 5:44

Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;

02 Lucas 6:27-28

Datapuwa't sinasabi ko sa inyong nangakikinig, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo, Pagpalain ninyo ang sa inyo'y sumusumpa at ipanalangin ninyo ang sa inyo'y lumalait.

03 Mga Romano 12:20

Kaya't kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya'y mauhaw, painumin mo: sapagka't sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo.

04 Mga Kawikaan 25:21

Kung ang iyong kaaway ay magutom, bigyan mo siya ng pagkain na makakain; at kung siya'y mauhaw, bigyan mo siya ng tubig na maiinom:

05 Mga Romano 12:14

Pagpalain ninyo ang mga sa inyo'y nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain.

Mga kaugnay na paksa