Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Ingatan ang Iyong Puso

10 na talata sa Bibliya tungkol sa Ingatan ang Iyong Puso na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Mga Kawikaan 4:23

Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; sapagka't dinadaluyan ng buhay,

At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

03 Mateo 12:34

Kayong lahi ng mga ulupong, papaano kayo na masasama, ay makapagsasalita ng mabubuting bagay? sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.

Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig, at ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo. Tuminging matuwid ang iyong mga mata, at ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo.

05 Mga Awit 119:11

Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.

06 Mga Kawikaan 23:7

Sapagka't kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya: kumain ka at uminom ka, sabi niya sa iyo; nguni't ang puso niya ay hindi sumasaiyo.

07 Lucas 6:45

Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao'y kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan: sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig.

08 Mga Awit 51:10

Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.

09 Deuteronomio 6:6

At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso;

10 Mga Kawikaan 4:21

Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso.

Mga kaugnay na paksa