Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Ang Diyos ay Pag-ibig

7 na talata sa Bibliya tungkol sa Ang Diyos ay Pag-ibig na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 1 Juan 4:8

Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang Dios ay pagibig.

02 1 Juan 4:16

At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya.

03 1 Juan 4:19

Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin.

04 Juan 3:16

Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

05 Mga Romano 5:8

Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.

06 1 Juan 4:9

Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.

07 Jeremias 31:3

Ang Panginoon ay napakita nang una sa akin, na nagsasabi, Oo, inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob.

Mga kaugnay na paksa