Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Puspos ng Espiritu

8 na talata sa Bibliya tungkol sa Puspos ng Espiritu na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Mga Efeso 5:18

At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu;

02 Mga Gawa 2:4

At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain.

03 Mga Gawa 4:31

At nang sila'y makapanalangin na, ay nayanig ang dakong pinagkakatipunan nila; at nangapuspos silang lahat ng Espiritu Santo, at kanilang sinalita na may katapangan ang salita ng Dios.

Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.

05 Mga Gawa 1:8

Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

06 Lucas 4:1

At si Jesus, na puspos ng Espiritu Santo ay bumalik mula sa Jordan at inihatid ng Espiritu sa ilang,

07 Mga Gawa 13:52

At ang mga alagad ay nangapuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo.

08 Mga Romano 15:13

Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Mga kaugnay na paksa