Mga Talata sa Bibliya Tungkol sa Inggit

7 na talata sa Bibliya tungkol sa Inggit na mababasa, mapagninilayan, at maisaulo.

01 Santiago 3:16

Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.

02 Mga Kawikaan 14:30

Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan: nguni't ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto.

Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo'y nangagmumungkahian sa isa't isa, nangagiinggitan sa isa't isa.

04 1 Mga Corinto 13:4

Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.

05 1 Pedro 2:1

Kaya't sa paghihiwalay ng lahat na kasamaan, at lahat ng pagdaraya, at pagpapaimbabaw, at mga pananaghili, at ng lahat ng panglalait,

06 Tito 3:3

Sapagka't tayo rin naman nang unang panahon ay mga mangmang, mga suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan, na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at tayo'y nangagkakapootan.

07 Mga Awit 73:3

Sapagka't ako'y nanaghili sa hambog, nang aking makita ang kaginhawahan ng masama.

Mga kaugnay na paksa